0
Gumaganda na daw ang ekonomiya ng Pilipinas pero ayun sa ILO (International Labor Organization) sa Southeast Asia, Pilipinas pa din ang may pinakamataas na unemployment rate. Marami ang walang trabaho, marami ang tambay. Upang malaman natin ang statistics nito ilan nga ba ang bilang ng mga unemployed sa bansa?
Image of Dakilang Tambay sa Pilipinas Dumadami

Sa Numero Makikita

  • Sa survey na ginawa ng Social Weather Station lumalabas na 12.1 million na Pilipino ang kasalukuyang ngayon na naghahanap ng trabaho.
  • Pero ang datus naman na lumabas sa National Statistics Office (NSO) 4 million pa din ang mga walang trabaho.
Magkakaiba man ang kanilang datus, isa lang ang tiyak—marami talagang mga Pilipino ang naghahanap ng trabaho.

Ayaw Pa Aminin na Basag ang Ratings

Madalas nga nating narinig na ang Gobyerno ay ginagawan na ito ng paraan. Marami nga raw proyekto ang pamahalaan para matugunan ang unemployement. Isa na dito ang mga training at seminars na ginagawa ng TESDA. Kaya kung ikaw ay walang trabaho pwede ka raw makapunta ng TESDA upang magtraining. Upang pagkatapos nito maaari ka nang magsimula ng sarili mong negosyo matapos n’yo itong mapag-aral.

Bukod pa dito ang magkabilaang sinasagawang Job Fairs. Sabi pa nga ng gobyerno ang kailangan lang talaga ay maging wais at madiskarte ang isang naghahanap ng trabaho. Pero sapat nga bang dahilan ito para sa kawalan ng mapapasukang trabaho? Gayun ako man din ang inyong lingkod na Kwentologist ay walang regular na trabaho.

Post a Comment Blogger

 
Top