Mobile app na pahirapan makakuha ng score umaani ng iba't-ibang reaksyon sa social media. In na in kasi sa mga Apple at Android users ang mobile app na ''Flappy Bird.'' Ginawa ito sa Hanoi, Vietnam ng isang independent gaming developer na nakabase doon at inilabas noong May 2013.
Flappy Bird; Simple Ngunit Pahirapan
- Simple lang ang laro. Kailangan lang i-tap ang screen ng inyong tablet o cellphone para paliparin ang virtual na ibon.
- Mahirap ibalanse at paliparin ang ibon para hindi bumagsak o tumama sa tubo. Pero di gaya ng ibang laro isa lang ang buhay ng ibon. Kata tamang timing at diskarte lang ang kailangan para maitawid ang ibon.
Dahil sa pahirapan makakuha ng score naging trending ito sa mga networking website gaya ng Facebook. Sa ngayon, isa na ito sa most downloaded app sa market ng Android at AppStore.
Post a Comment Blogger Facebook