0
Image of Mga Doktor sa Ospital ng Pilipinas
Nangangamba ngayon ang Philippine Medical Association sa maliit na bilang ng mga doktor sa bansa. Ang itinuturing ugat ng problema, mababang pasahod sa ating mga doctor! Umaabot na sa 100 milyon ang populasyon sa Pilipinas. Subalit, 70,000 lang ang mga doktor natin.
  • Lumalabas na 1 doktor lamang ang nag-aasikaso sa bawat 1,500 na mga pasyente.
  • Ayun sa World Health Organization, dapat ay may 1 doktor sa bawat 600 pasyente.
Nababahala tuloy ang Philippine Medical Association dahil dito. Lalo't sunod-sunod ang outbreak ng mga sakit. Maximal security problem nga naman kapag bumaba ang dami ng doktor. Kasi ang mga tao nagkakasakit at mahirap kapag walang doktor na mag-aasikaso sa kanila. Ayun sa pag-aaral, isa sa dahilan kung bakit kinukulang tayo ng doktor ay dahil marami sa mga ito nag-aabroad.

Magkano Ba ang Bigayan?

Mababa kasi ang sahod nila sa Pilipinas. Nasa P30,000 ang sweldo ng isang doktor sa pampublikong ospital. At nasa P20,000 naman sa mga doktor na nasa rural areas. Masyado itong maliit lalo na kapag ang isang doktor ay malayo sa lugar na pagsisilbihan n'ya. Magastos, mapapalayo at syempre para na din sa ipangtutustos sa ikabubuhay ng kanilang pamilya.
  • Aminado ang DOH na may kakulangan na nga sa mga medical practioner sa bansa.
  • Higit sa 200 lugar sa buong bansa ang walang duktor.

Ano Ba ang Trip ng DOH?

Hindi agad ito masusolusyunan sapagkat mahal at matagal ang pag-aaral ng medisina. Kaya ngayon isinusulong ng ahensya ang Universal Health Care. Gaya na lamang ng pagkakaroon ng mga;
  • General practitioner
  • Family medicine specialist
  • Health specialist sa mga kumunidad at district hospital
Panawagan din ng Department of Health sa mga lokal nga pamahalaan. Bigyan sana ng malaking budget ang mga programang pangkalusugan.

Post a Comment Blogger

 
Top