0
Image of Tigyawat at Acne Mas Dumarami Tuwing Summer Lalo na sa mga Teenager
Tuwing tag-init mas madalas na tinutubuan ng tigyawat ang mga kabataan. Kaya payo ng mga eksperto, panatilihing malinis ang ating mukha at katawan.

Matagal n’yo na bang iniinda ang nakakairitang acne, lalo na pagma-init? Nahihiya at takot ka nang lumabas dahil sa dami ng yung pimple. Ang mukha mo ay punung-puno na at para na rin itong pigsa.

Maraming teenager ngayon ang may problema sa acne dahil dito nagdudulot ito ng pagbaba ng isang teenager sa kanyang self-esteem.

Mas madalas ngang lumabas ang maraming acne tuwing summer. Oily kasi ang balat dahil sa init ng panahon kaya mas madaling tubuan ng pimple.
  • Payo ng eksperto, hugasan ang mukha araw-araw. Ngunit hindi dapat ito masobrahan. Isa o dalawang beses sa isang araw at gumamit lamang ng mild non-irritating na sabon.
  • Pero kung sakaling nariyan na ang pimple huwag itong titirisin o pahiran ng kung anu-anong gamut. Mas mainam na ipakonsulta ito sa mga espesyalista. Mas madaling raw magamot o mawala ang mga acne scar kung tama ang paggamot dito.
  • Dapat ding gumamit ng sabon na may anti-microbial properties.
Huwag ding kalimutan mag-sunblock para makaiwas pa sa iba pang sakit na maaring makuha, lalo na kung magbababad sa mga beach o sa init ng araw.

Post a Comment Blogger

 
Top