Usapang Ramadan tayo ngayong buwan dito sa iKwento. Dito sa Pilipinas di pangkaraniwang kinakain ang karne ng tupa dahil mahal ito. Pero sikat na sikat itong Halal food.
Ang Lamb Korma ay isa sa pinakamatandang putahe ng nanggaling sa mga bansa sa Mediterranean tulad ng lang ng Italya. Ito ay makikita sa mga paboritong pagkain ng mga Romano noong araw.
Pagdating sa Halal food madalas lumalabas ang karne ng tupa. Kaya nga dito sa Pilipinas medyo mahal ang karne. Pero kadalasan sa ibang bansa kung saan mura ang tupa talagang madalas nyong makita ito dahil tradisyonal at sikat na sikat na Halal food ang lamb korma.
Bakit Nga Ba Korma?
Ang korma ay nanggaling sa salitang Turkish na kavurma na ibig sabihin ay cooked meat. Ibig sabihin dumaan na sa proseso ang at pampalasa ang karne nito bago pa man lagyan ng ibang sangkap upang maging ganap na na putahe ito.Kung ikukumpara ang karne ng tupa sa karne ng baka o kaya ng manok. Masasabing mas malasa at mas malambot ang karneng ito. May kamahalan nga lamang sa ibang bansa gaya ng sa Pilipinas.
Post a Comment Blogger Facebook