0
Tagumpay ang clinical study ng bakuna laban sa nakamamatay na dengue virus na isinagawa sa Pilipinas at ibang bansa sa Asya. Inihahanda na ito upang magamit sa buong mundo sa kalagitnaan ng 2015.
Image of Dengue Vaccine
  • Mahigit sa 10,000 libong bata galing sa San Pablo City at Cebu sa Pilipinas, gayundin sa Indonesia, Malaysia, Thailand at Vietnam ang sumali sa clinical trials ng bakuna laban sa dengue.
  • Matapos ang 3 taon, taagumpay ang resulta. Mahigit 56.5% ang efficacy o pagiging epektibo ng vaccine laban sa dengue.
  • Mahigit 88.5% naman ang nabawas sa Dengue Hemorrhagic Fever sa mga batang edad 2 taon hanggang 14 na sumailalim sa pagsusuri.
Tiniyak ng Research Institute for Tropical Medicine (RITM) na ligtas gamitin ang vaccine.

Pero hinihintay pa ng kumpanyang Sanofi-Pasteur ang resulta ng test mula sa Latin-America bago iproseso ang mga permit at regulatory requirements para maibenta ang vaccine sa kalagitnaan ng 2015.

Di Pa Sure?

Natuwa ang Department of Health dahil sangkatira ang kaso ng dengpue sa Pilipinas at daan-daan ang namamatay dahil walang bakuna. Ang problema ngayon hindi pa alam ang halaga kung magkano ang presyo ng bakuna at di pa tiyak kung gobyerno ang bibili o sa pribadong sector idadaan ang anti-dengue vaccine sa 2015.

Ayun sa Sanofi tatlong turok ng injection ang gagawin sa loob ng isang taon para maging protektado sa 4 na strain ng dengue virus.

Post a Comment Blogger

 
Top