1
Image of JS Prom in Public School
Pinaghahandaan na nang ilang eskwelahan ang nalalapit na Junior-Senior o JS Prom. Pero paalala ng DepEd hindi dapat pilitin ang mga estudyante na magbayad o dumalo sa prom.

Bahagi na nang tinaguriang high school life ang Junior and Senior Prominade o JS Prom na karaniwang ginaganap tuwing Pebrero. Sa programang ito binibigyang importansya ang pakikisalamuha ng mga estudyante sa bawat isa. Pero nilinaw ng Department of Education na hindi maituturing na official school activity ang JS Prom.

Hindi Kasama sa Lesson Plan?

Bukod sa wala itong DepEd memorandum. Hindi din ito kabilang sa calendar of activities ng DepEd. Ibig sabihin, kung ayaw ng isang estudyante hindi s'ya dapat pilitin na sumali at magbayad sa prom.

Kailangan din itong pag-usapan at aprubahan ng student association specifically mga Juniors. Ang mga junior students kasi ang s'yang magbibigay ng karampatang halaga, mapa-pinansyal man o serbisyo. Lalo pa't ang gabi ng JS ay para naman talaga sa mga seniors o 'yung magtatapos na sa high school.

Kailangan ang Masinsinang ''Meeting Agenda''!

Ayun sa DepEd kung magdaraos ng prom. Dapat tinatalakay ito ng mga magulang, guro at mga estudyante. Higit sa lahat mapagkasunduan ang mga dapat na bayaran. Ilang eskwelahan na rin ang naghahanda para sa JS prom. Ang mga estudyante excited na rin.
  • Enjoy nga naman talaga ang JS, ok lang kahit simple. Ang mahalaga may JS.
Bukod sa bayad sa prom, pinaghahandaan din ng mga kabataan ang gagastusin sa damit na susuotin. Kaya ang mga kadalagahan todo lambing sa mga magulang makapagsuot lamang ng inaasam na long gown. Sa mga kalalakihan dapat nakakurbata at americana. Kahit kapus mas maigi pa ding maghanap ng swak sa budget.

Sabi ng DepEd kapag napagtanto na hindi kakayanin ng budget. Huwag gawing magarbo ang JS o tuluyan na itong huwag gawin.

Take IT Prom Da Ekspert!

Kung ako ang tatanungin n'yo. Masaya pa din ang gabi ng JS, kung baga "it's once in a lifetime event". Kaya naman sa konting tips meron akong ibabahagi. Para naman masabi n'yo ito sa inyong sarili pagdating ng araw. "I learned, I do have a crush, and I left my school campus with no regrets." Kaya guys moment n'yo na 'to!
  1. Lambingin ng todomax to the maximum levelisyus si parenthood para pumayag magkaroon at maka-attend sa JS Prom. Sa huli sila din naman ang magbabayad.
  2. Kumuha ng catering, 'yung affordable pero may quality and standard kapag nagluto at magserbisyo. Ito ang dapat tutukan sa pagba-budget malaking porsyento ng mga bayarin dito kasi napupunta. Kung mangyari kasama na din sa package na ito ang mobile audio system na sya namang maghahatid ng lights and sound para sa event.
  3. Sa damit na maisusuot karaniwan issue ito sa mga kababaihan. Anumang klase ng gown ang napagkasunduan. Maigi pa din ang makahanap ng abot ang presyo. Kundi naman kaya ay manghiram sa kaibigan o kakilala.
  4. Higit sa lahat, ganapin ang prom sa loob ng school campus lamang.
Kaya sa mga guro, magulang at estudyante. Gawing simple ang prom. Ang mahalaga, may magandang pagtatapos na naman ang isang school year. Say ko nga, "Live life with no regrets."

Kung nagustuhan n'yo ang post na ito. I-share n'yo rin pag may time!

Post a Comment Blogger

 
Top