0
Isa sa pinaka-aabangang pagtitipon ng mga high school ang Junior and Senior Prom. Kaya payo ng mga eksperto, pag-isipang mabuti ang pagpipili sa magiging ka-date sa di makakalimutang gabi ng high school life.

Nangangamoy... Bulalo? Kaunting Apog Lang 'Yan!

Image of Prom Night
Wala ka bang lakas ng loob na yayain si crush na makapareha sa gabi ng prom? Natatakot ka ba na baka hindi s'ya pumayag? Ayun sa isang relationship expert, dapat ay mag-ipon ng lakas ng loob at gumawa ng gimmick upang ang matamis na ''Oo'' ay iyong makamit.
  • Kausapin si crush ng kalmado upang di ka mahalata at di magmumukhang awkward.
  • Gumawa ng script na mala-music video.
  • Pwede din magpadala ng chocolate with a twist. Iregalo ito na may kasamang message. Gaya na lamang ng ''Be My Prom Date.''
  • Maling-mali na idaan sa text ang imbetasyon.
Ang mga tips na ito pwede din gawin ng mga babae para magyaya ng prom date. Payo ko lang mas maigi na kaibigan na lang ang yayain at huwag ang crush. Pero pwedeng kaibiganin muna ang crush.

Kapag crush kasi 50-50 chances, nandun ang adjustment sa isa't-isa mas easy kapag walang rubbing feelings.

Dapat Walang Out of Place at Dead Air

Sa prom night naman siguraduhing kumportable ang inyong date. Dapat nasa ka-date lamang ang buong atensiyon. Para hindi maging speechless makipagkwentuhan tungkol sa mga interest, hobbies, at mga plano sa buhay.

Ang prom ay isang unang aktibidad sa buhay ng isang teenager. Ito ay hindi lamang para makipagkilala sa ibang tao kundi maging sa kanilang sarili. Ang isang memorable night prom ay makakamit kapag tamang tao ang kasama sa date.

Post a Comment Blogger

 
Top