1
Mapapiyesta, birthday o simpleng salu-salo maliban sa pagkain tiyak hindi nawawala ang mga inuman. Hindi kataka-taka kung bakit pumangatlong ang mga Pilipino sa pinakamalakas uminom ng alak o tumoma sa buong mundo.

Natalo pa nga natin ang mga Hapon, Amerikano at mga Brazilian kung inuman session lang ang pag-uusapan. 'Yan ay kung pagbabatayan ang isang resulta tungkol sa pag-aaral dito. Ito pa nga ang nakakagulat, 'yung mga Pilipino kasi abay umaangal pa doon sa top 3 lamang daw na ranking na nakuha natin.
Image of Mahilig Uminom ng Alak

Pilipinong Tomador

Kahit saang sulok ng bansa kabila-kabilaan na ang fiesta. Siyempre, kapag may kainan hindi nawawala ang tunggaan. Kadalasan pa nga 'yung iba bakit pa daw maghihintay ng okasyon? Eh, kahit tirik at ordinaryong araw lakas tama na.

Manggang hilaw, isang bote ng alak at malutong na kwentuhan, solved! Kung makipag-kwentuhan maghapon di nga talaga tatagal hanggang tanghali. Kasi nga naman hindi masaya ang kwentuhan kung walang inuman.

Ang ilan pa sa mga kabataan, pagkagaling sa eskwelahan deretso sa inuman. 'Di ba dapat kape lang muna? Lagi nga raw silang may okasyon pang-bonding moments nga nila ito.

Hindi na nga nakakagulat pa na ang mga Noypi kabilang sa malakas kumonsumo ng serbisa sa buong mundo. Sa isang survey na ginawa ng EuroMonitor nasa pangatlo ang Pilipinas sa pinakamalalakas uminom.

Mga Bansang Lakas Tama!

RankBansaShots Per Week
1South Korea13.7
2Russia6.3
3Philippines5.4
4Thailand4.5
5Japan4.4
6Bulgaria3.9
7Ukraine3.9
8Slovakia3.8
9Brazil3.6
10U.S.A.3.3
Pero ang mga Pilipino pumapalag, paano ba naman 24 hours ang inuman, magdamagang laklak pag napasarap. Dapat daw sana top 1 ang Pinas.

Sa ulat ng pangunahing manufacturer ng alak sa bansa. Nakapagbenta sila ng halos 224.8 Million hindi bote kundi cases ng beer noong taong 2012 sa Pilipinas. Kumita sila ng P75.6 Billion sa bentang ito.

WASALAK: Mga Taong Walang Sawa Sa Alak

Sabi ng Department of Health, anumang sobra nakakasama. Pagnaka-ubos, tinamaan na nang ispirito ng alak itulog na. 'Di nga naman talaga maubos-ubos ang alak. Pag-inubos mo 'yan tiyak mauubos din ang katawan mo.
  1. Laging tandaan ang alak dalhin sa tiyan hindi sa utak.
  2. Drink moderately and responsibly.
  3. Don't drive under the influence of alcohol.
  4. Masama ito sa kalusugan.
  5. Mahal ang alak, ang pera pambudget na sana nang pamilya.

Tama na 'Yan Inuman Na!

Culture driven at walang kinalaman ang klima ng bansa tungkol sa pagkaligalig ng mga Pilipino sa alak. Ang mga Pinoy kasi mahilig sa kasiyahan at ang alak parte na ng okasyon. Dahil din dito patuloy ang gobyerno sa paglatag ng mga batas upang makontrol ito. Tulad na lamang ng ''Anti-Drunk Driving Law'' at SIN Tax Bill kung saan pinataas ang tax sa mga ganitong uri ng produkto.

Ang mataas na pagkonsumo ng alcohol may kaakibat yan na health risk. Syempre ang nagpopondo sa mga nagkakasakit na tao. Saan pa nga ba kukukuha ng pondo? Walang iba kundi sa gobyerno.

Post a Comment Blogger

 
Top