0
Walang binatbat ang physical na sakit ng katawan kumpara sa sakit na dulot ng pagkasawi sa pag-ibig. Ayun sa pag-aaral ng University of Michigan, ang pagkabigo sa pag-ibig ay katulad ng pag-buhos ng isang tasa ng kumukulong kape sa iyong dibdib. Kung ganito kasakit ang nararamdaman ng isang taong nabigo sa pag-ibig. Paano naman kaya sa mundo ng mga hayop? Aking ikikwento sa inyo ang pag-ibig sa animalandia.

Human and Animals are Both Have Emotions

Animal senses is more on animal behavior. Meron silang pattern behavior na maaring mahalintulad sa isang tao na nag e-exhibit ng emotion. Ang isang pair ng monogamous na hayop gaya ng kalapati. Kapag nakahiwalay sila hahanapin ng isa yung kanyan kapareha. Hanggang sa hindi na ito makita, nawala o totally namatay magpapakita ito ng kalungkutan.
Image of Gansa
Katulad ng mga love birds ang gansa ay isa ding highly monogamous na hayop. Kaya isa lamang ang kanilang kapareha buong buhay. Kapag nawala o namatayan ng kapareha mahabang panahon bago sila makahanap muli. Sa Taiwan, isang lalaking barn swallow ang nakuhanan ng larawan noong nasagasaan ang kapareha nito. Huling-huli sa camera kung paano dalhan ng pagkain ang nanghihina nang kapareha. Hindi nagtagal at binawian din ng buhay ang kapareha. Pero hindi agad umalis ang lalaking ibon na tila umiiyak at nalulungkot sa pagkasawi ng kanyang minamahal. Napakasakit ang mawalan ng mahal sa buhay. Tulad natin ang mga hayop ay nasasaktan din. Ayun sa pag-aaral sa New York ang kalungkutan ay nagsisimula sa isang bahagi ng utak na kung tawagin ay 'amygdala'. Mas emosyonal daw ang mga aso kumpara sa mga tao dahil doble ang laki ng amygdala kaysa sa atin.

Some Animals are Monogamous

Image of  Kalaw (rufous hornbill)
Ang isang uri ng ibong dito sa Pilipinas na kung tawagin ay Kalaw (rufous hornbill). Napakahaba ng pilik mata nito at isa ring highly-monogamous bird. Ang ginagawa naman nila meron silang mating ritual. Ang lalaking kalaw ay lilipad sa canopy ng kagubatan at sumisigaw ng napakalakas. Kapag sumagot ang babaing hornbill. Sila ay magsasama na ng habang-buhay. Tulad natin ang mga hayop ay may puso din. Kaya hindi nakakapagtakang sila ay nakakaranas din ng pag-ibig at pagkabigo.

Post a Comment Blogger

 
Top