0
Isang libong mga barangay sa Pilipinas ang wala pa ring supply ng tubig. Libu-libong Pilipino rin ang namamayay taun-taon dahil sa sakit na nakukuha sa maruming tubig. Kahit meron pang 30 ahensya ng gobyerno ang tumututok sa pangangasiwa sa tubig. Nagagawa nga ba ng bawat ahensya ang kanilang trabaho? Depende kung sino ang tatanungin, kung ang sobra-sobrang ulan ay maituturing na sumpa o biyaya. Pero kung ang tubig ay buhay, hindi maitatangging isa ang Pilipinas sa pinakamaswerteng bansa sa buong mundo dahil sa dami ng tubig ulan ang bumabagsak dito.

13,603 Liters of Water Per Person a Day

Iyun nga lang di ito naaani ng mahusay. Isang bagay ang magkaroon ng tubig at ibang bagay naman ang magkaroon ng sistema para magamit at mapakinabangan ito ng maigi. Ang ibang lugar kasi ay sobra-sobra ang tubig at ang iba naman ay salat na salat.
Image of Watershed Philippines
Sa buong bansa may tatlumpung mga ahensya ang nangangasiwa sa paggamit ng tubig. Sa pagkukuhanan palang nito o 'yung watershed, apat na ahesya na ang nakatalaga at yun ay ang mga;
  • FMB
  • NIA
  • BSWM
  • NPC
Kasama naman ang Department of Enegry sa tatlong nangangasiwa sa hydro-power energy o enerhiyang nakukuha sa tubig upang gawing kuryente.

Ano Ba ang Ginagawa ng Iba?

  • Distribusyon ng tubig
  • Malinis at ligtas ang inuming tubig
  • Irigasyon
  • Nangungulekta ng mga datus
  • Pangingisda
  • Pantalan at nabigasyon sa mga dagat
  • Pagkontrol sa mga baha
Bawat ahensya ay kanya-kanyang ginagampanan at polisiya na kumokontra sa ibang ahensya. Kaya ang nangyayari nagkakaroon ng kakulangan sa koordinansyon. Trabaho sana ng National Water Resources Board (NWRB) na makipag-ugnayan sa lahat ng mga ahensya tungkol sa tamang paggamit ng tubig. Ngunit maging sila aminadong kulang ang mga kagamitan at trabahador. Halos limang tao lamang kasi ang nag-iinspeksyon. Hawak din ng ahensya ang pangangasiwa sa serbisyo ng tubig sa ibang bahagi ng bansa.

Government on the Move!

Gumastos ang pamahalaan ng halos 20 bilyung piso para sa paggamit ng tubig. Malaking pondo nito ang napunta sa agrikultura, pagsasa-ayos ng nga ilog, at programang pansagot sa problema sa baha. Ngunit 1,353 barangay pa ring sariling supply ng tubig. Halos 20, 075 na Pinoy ang namamatay taon-taon dahil dito. Ang higit na nakakabahala higit 20 probinsya sa buong bansa ang magdurusa sa panahon ng tagtuyot. Para pag-isahin ang lahat ng ahensyang namamalakad sa tubig. Pangulo na ang nagtatag ng Water Inter-Agency commitee na layong mapabuti ang pamamahala sa tubig at yamang kaakibat nito.

Post a Comment Blogger

 
Top