1
Nagbabala ngayon ang Philippine Food and Drug Administration (FDA) sa publiko. Huwag basta-basta maniwala sa sinasabi ng ilang nagbibenta ng Alkaline Water na mabuti ito sa kalusugan. Wala pa kasing nakapagpatunay na may kakayahan itong gumamot ng maraming sakit.
  • "Consumers are advised not to fall prey to these unscrupulous vendors and peddlers. Drinking alkaline, oxygenated, or ionized water does not change the blood pH level."

Tubig Lang 'Yan na Malinis

Base sa advisory na inilabas ng FDA marami sa mga water refilling station ang malayang makakapagnegosyo ng alkaline water sa ngayon. Pero sa sandaling magbigay sila ng therapeutic claim o tinuturing na epekto ng tubig na kanilang binibenta dito na sila magkakaproblema.

Ang alkaline water kasi ay considered ng FDA bilang pagkain, mahahalintulad sa beverages. Pero kapag ang isang tao o negosyante ay nagbigay ng health claims tunkol dito. Maaring ituring ito bilang isang uri ng droga. Subalit, bago ang lahat dapat ay magsumite muna ito ng katibayan na ang naturang produkto ay nakakapagpagaling.

Ano Nga Ba Ang Alkaline Water

Image of Alkaline Water in the Philippines
Ang alkaline water katulad ng karaniwang inumin tubig, walang kulay at pareho ang itsura. Sinasabi ng iba na ang alkaline water daw ay mabuti sa kalusugan at nakakagamot ng maraming karamdaman.

Base sa ilang produktong naka-post at binibenta sa internet ngayon. Ang alkaline water daw ay nakakatulong mailabas ng ating katawan ang mga toxins na nagdudulot ng sakit gaya ng;
  • Ulcer
  • Arthritis
  • Cancer
  • High blood pressure
  • Diabetes

Bigyan ng Eksplinasyon

Kinontra agad ito ng FDA, ang katawan natin ay may sariling mekanismo na s'yang nagbabalanse ng pH level sa ating katawan. Kaya naman sa oras na kumain at uminom tayo, katawan na mismo natin ang nag-aadjust nito.

Sa ngayon, walang kahit ni isang produktong alkaline water ang aprobado ng FDA at maging ang sinasabing mga therapeutic claims nito.

Post a Comment Blogger

 
Top