0
Online retail store 'yan ang patok ngayon pagdating sa negosyo. Pero kahit online man ang mga ito dapat pa ding dumaan sa pagpaparehistro. Ngayong taon, ang tindahan daw ay isang click o tap na lamang sa ating mga daliri. Ito ay dahil sa mga online shops na naglipana ngayon at kaya nang i-access gamit lamang ang ating mga tablet, smartphone o computer. Tulad na lamang ng isang online shop namin na Kwento Store kung saan nagbibenta kami ng kung ano mang gamit na kapakipakinabang sa murang halaga.

Ang mga paninda ang nailalako sa pamamagitan lamang ng sariling website, Facebook, Instagram at marami pang social networking website.

Ang kagandahan kasi ng pagbibenta online ay walang overhead, iwas stress, easy lang at maliban sa kaunting tiyaga tanging internet connection lang ang babayaran kada buwan. You are just sitting at home, tapos targeted yung marketing mo. Hintayin mo na lamang ang mga text at tawag nang magiging customer mo. Pwedeng simulan bilang sideline at kalaunan gawing fulltime na din.

Ano Ba Dapat ang Meron?

Ngunit paalala ng ilang ahensya. Kahit sa internet lang nagbibenta nararapat pa din itong irekomendang magkaroon ng;
  • Iparehistro ang business name sa ahensya ng DTI para sa mga sole-proprietorship.
  • Para naman sa mga corporate irehistro ito sa Securities and Exchange Commission.
  • Kailangan ding kumuha ng T.I.N. sa BIR.
  • Higit sa lahat dapat ding may business permit.
Isa din sa kailangan ay ang pagpapatunay ng business address ng isang ecommerce na website.

Online Shopping Tips iKwento!

Image of Kwentology Online Shop

Aminado ang DTI dahil sa sunod-sunod na pagsulputan ng mala-kabuting online stores. Hirap silang tukuyin ang mga nananamantala. Kaya payo namin sa mga online shopper ay ito;
  • Bumili sa mapagkakatiwalaang website.
  • Basahin ang terms and conditions sa bawat produktong binibenta.
  • Mag-ingat sa pagbibigay ng credit card info. Mas ligtas magbayad sa bangko.
  • At syempre humingi ng resibo o proof of purchase.
Kaya sa mga mamimili sa internet. Maging mapanuri at mag-ingat! Hindi porke't swak sa bulsa at masarap sa mata ay ligtas na sa mga mapagsamantala.

If you like this post please share n'yo din sa Facebook o Twitter. Like n'yo rin PAG MAY TIME!

Post a Comment Blogger

 
Top