0
Lumalabas sa pag-aaral ng UP Population Institute na mahigit 6 million na kabataan Pilipino edad 15 hanggang 24 anyos ang nakikipagtalik nang hindi pa kasal o 'yung tinatawag na pre-marital sex. Higit kalahati sa bilang na ito ay umaming nakikipagtalik ng walang proteksyon.

Masarap Ba Talaga ang Bawal?

Halimbawa na lang ay ang isang 19-anyos na babae na meron nang isang anak. Isang batang ina, kung saan 15-anyos pa lang ay nabuntis na ng isang lalaking una n'yang naging textmate. Bakit nga ba ganito ang nangyari?

Ito ba ay dahil lamang sa curiousity, experience at buyo ng mga barkada? Kadalasan pa nga wala pang isang buwan ang relasyon buntis na ang isang babae.

Aminado ang karamihan sa mga batang ina na mahirap ang kanilang pinagdadaanan. Nakakaranas sila ng discrimination, kung bakit pa kasi ang babata pa ang agang nabuntis, at kalandian daw ito.
Image of Pre-Marital Sex sa Mga Kabataan
Ang mga sitwasyon ito ay ramdam din ng mas marami pang kabataan.

Filipino Youth Engaging in Pre-Marital Sex

  • 6 million aged 15-24 years old.
  • 1 out of 3 teenage is actively engaged.
  • Within almost 10 years, especially from year 2002 (23.2%) up to 2013 (32.0) the number get worst at 9%!
  • 1 out of 4 teenagers watching pornographic videos on the internet.
  • 4 out of 100 admitted of hooking up to person they used to be friend on social networking sites.
  • 5 million teens engaged on unprotected sex.

Bad Influence ang Internet?

Ayun sa mga eksperto impluwensya ito nang pagkaka-exposed ng mga kabataan sa malaya at makabagong teknolohiya gaya ng internet.

Lumalabas din na isa sa kada apat na kabataan ay nakakapanood ng adult content gamit ang internet.

Patnubay ng Magulang ay Kailangan!

Ang pakikipagtalik ng walang proteksyon ay isang dahilan kung bakit ang mga nakakahawang sexually transmitted diseases (STD) ay patuloy na kumakalat. Kaya naman 'di din matapus-tapos ang kampanya laban dito.

Aminado ang mga kinauukulan na mahirap na ngang mapigilan ang pagdami ng mga kabataang engaged sa pre-marital sex. Kaya naman malaking tulong ang paggabay ng mga magulang at tulong ng komunidad para sa pagpapalaki ng mga bata.

Post a Comment Blogger

 
Top