0
Lying-in clinic ang takbuhan ng maraming kababaihan na di kayang tustusan o di na pwedeng tanggapin pa ng mga ospital ng gobyerno. Pero nag-aalala ngayon ang mga namamahala ng mga lying-in clinics na baka sapilitan na ipasara ang ilan sa kanilang mga membro.

Lahat ng mga lying-in clinic ay sa mga pasyente lang talaga umaasa. Sa isang lungsod mahigit sa 100 mga nanay ang nanganganak taon-taon. Ngayon, karamihan sa mga ito ay nanganganib ng magsara.

Ang Bagong Pamantayan

Sa bagong kautusan na inilabas ng Departmentn of Health. Hindi lang basta rentang bahay pwedeng gawing isang lying-in clinic.
  • Hindi dapat bababa sa 10.5 Square meters ang birthing room.
  • Kailangan din mahigit sa 6 meters ang ward.
  • Ang delivery room dapat ay 3.5 meters.
  • May rampa para sa mga manganganak na o yung dinadaan ng wheelchairs. Ika nga, para na ring ospital.
  • Dapat din itong magcomply sa PhilHealth reimbursement.
Image of Lying-in Clinic Pilipinas
Umaabot sa 2.5 million ang nanganganal sa mga lying-in clinic sa buong Pilipinas. Pinupunan ng mga lying-in clinics ang kakulangan ng mga pampublikong ospital. Ayun sa DOH, ito ang isa sa mga dahilan kung bakit dapat siguraduhin ang kalidad ng isang lying-in clinic.

Kaya naman sabi ng DOH, sa darating na 2015 kapag hindi pumasa sa standard ang isang lying clinic—hindi ito bibigyan ng lisensya at dapat magsara.

Ito ngayon ang nirereklamo ng grupo ng United Private Lying-in Practitioners and Proprietors (UPLIPP). Ayaw nila agad na maimplement ang nasabi batas dahil na din sa mga simpleng midwives lamang ang kadalasan na may-ari ng mga lying-in clinics na ito at hindi mayayamang negosyante.

Ayun din sa grupo, halos 20% lamang ang makakapasok sa bagong pamantayan ng DOH. Gayundin ang katotohanan na karamihan sa kanila ay umuupa lamang ng klinika. Swerte na lang kung may pera o mauutangan para sa pagpapatayo ng lying-in clinic. Pero paano naman daw ang iba na ultimo ibang gamit tulad ng pang newborn screening ay kailangan pa ipangutang?

Strick si DOH

Sa kabila ng kalagayan ng mga namamahala ng lying-in clinics matigas pa din ang DOH. Ayun sa DOH kung hindi kayang abutin ng private sectors ang standards ng sa public. Wala umano itong karapatan mag-operate dahil buhay ang nakataya dito.

Nagsusumamo ngayon ang UPLIPP, imbes kasi na kastiguhin ang mga midwives nila sana’y suportahan sila ng DOH.
Next
This is the most recent post.
Previous
Older Post

Post a Comment Blogger

 
Top