0
Wala pa ring malinaw na plano ang gobyerno sa rehabilitasyon ng mga nasalanta ng bagyong Yolanda. Si Rehabilitation Czar Panfilo Lacson dismayado naman sa ilang kasamahan nya sa gabinete. Ang hamon naman ni Senator Chiz Escudero, parusahan ang mga opisyal na makupad umaksyon.

Eksaktong anim na buwan na mula ng nanalasa ang mala-delubyong bagyo na Yolanda. Agad naman nagbuhos noon ang mga tulong maging ng mga ibang bansa. Pero inamin ngayon ng gobyerno na sa nakalipas na kalahating taon, wala pa ring malinaw na master plan para sa rehabilitasyon sa mga apektadong lugar.

Palpak na Ahensya at Opisyal

Image of Gobyerno Walang Pa Ring Plano sa Recovery at Tulong Para sa mga Biktima ni Yolanda
Paliwanag ng Office of the Presidential Assistance and Rehabilation and Recovery (OPARR), wala pa umano silang natatanggap na kumpletong listahan ng mga pangangailangan ng mga biktima ng Yolanda. Hinati din nila ang mga ahensya sa limang cluster para mapabilis. Ang kaso isa pa lamang sa mga cluster na ito ang nagsumite na ng kanilang report.

Limitado din ang kakayahan ni Sec. Panfilo Lacson dahil hanggang koordinasyon lang ng mga ahensya ang maari nyang gawin. Kaya ganito na lang ang panlulumo nya sa ilang sa kasamahan sa gabinete. Ayun kasi sa kanya merong 2 opisyal ang parang walang paki-alam kung baga deadma.

Kung sinuman ang dalawang ito hindi nya na pinangalanan pa. Ngunit, kakausapin nya ang Pangulong Pnoy tungkol dito.

Post a Comment Blogger

 
Top