Kalayaan Island sa Palawan Papadalhan na ng mga Guro sa Hunyo
Magpapadala ng mga guro ang mga Philippine Coast Guard sa bayan ng Kalayaan sa Palawan. Matatandaang ang Isla ng Kalayaan ay kabilang sa pinag-aagawang teritoryo ng Pilipinas at China. Sa pinirmahang Memorandum of Agreement nina Palawan Coastguard Head Commodore Efren Evangelista at Kalayaan Mayor, Eugenio B. Bito-Onon Jr., sisimula sa Hunyo ang pagpapadala ng mga guro. Partikular na itatalaga ang mga guro sa Pag-asa Elementary School sa naturang bayan. Layun nitong matiyak ang kalidad ng edukasyon ng mga kababayan natin doon.
Post a Comment Blogger Facebook