0
Talaga namang hindi mauubusan ng mapupuntahan ngayong tag-init dahil sa nakatagong ganda ng ating bansa. Sino ba naman ang hindi gaganahang magdive sa malinis at malamig na Canawa Spring sa Bohol. Halos limang kilometro lang mula sa Brgy. Canawa pwedeng na magpapresko sa spring kung saan kulay aquamarine ang tubig. Nariyan ang kabubukas pa lamang na kweba sa Bangued, Abra at pati na rin ang malinis na spring sa Bohol.

Canawa Spring Bohol Tourism

Image of Canawa Spring is a mysterious spring because its depth has never been fathomed despite the many attempts of divers
Tinawag itong "Canawa" dahil na rin sa hugis nito na parang kawa na napapalibutan ng punong kahoy. Sabi ng mga residente sobrang lalim daw ang tubig kaya ang mga diver bigo na sisirin ang lalim nito. Sampung piso lamang ang entrance kaya naman one-to-sawa ang barkada sa pag-swimming dito.

The New Cave in Town

Kakaibang gimik naman ba sa tag-init ang hanap? Tara na sa Bangued, Abra. Kakabukas lamang sa publiko ang 'Pita Cave' sa Brgy. Sapaac. Maliit lang ang lagusan pero sulit naman ang pagod kapag napasok na ang kweba. Maraming paniki sa loob at nakakadagdag din ng liwanag ang mga kumikinang na stalagmites at rock formations.

Post a Comment Blogger

 
Top