0
Mga kababayan paano ba natin dapat pangalagaan an gating mundo? Narito ang ilang dagdag kaalaman para sa pagsuporta sa Earth Day ngayong araw.
Image of Earth Day Sa Pilipinas

Sinusuportahan ng may 150 countries ngayong April 22, 2014 ang pagpapahalaga sa ating mundo. Sa pamamagitan yan ng Earth Day. Ito ay ang pagpapaalala sa ating lahat na protektahan ang kalikasan. Sa patuloy na pagbigay ng kalikasan sa bawat pangangailangan upang tayo ay maka-survive dito ay mabuting makipag-participate tayo kahit sa simpleng pamamaraan lamang.

Mga Paraan Upang Makatulong sa Kalikasan

  • Siguraduhing walang sira ang gripo upang maiwasan ang pagkasayang ng tubig.
  • Patayin ang mga appliances na gumagamit ng kuryente at gayundin ang mga ilaw kung hindi naman ginagamit upang makapag-conserve ng energy.
  • Gumamit ng mga reusable eco-bag sa pamimili upang magamit ito ulit at hindi na dumagdag pa sa kalat sa ating mundo.
  • Gumamit ng Light Emitting Diode o mas kilala sa LED lights dahil recyclable ang mga ito kumpara sa incandescent light bulbs.
  • Paghiwalayin din ang mga basurang di nabubulok sa nabubulok para marecycle ng tama ang mga plastic at mga papel.
  • Maglakad o gumamit na lamang ng bike papunta sa destination kung ito ay malapit lamang. Upang makabawas sa mga sasakyan nagbubuga ng usok na nagdudulot naman ng pollution.
  • Ayusin at gamitin uli ang mga used jars at scrap papers.
  • Huwag kalimutang gumamit ng multi-purpose chemically-safe na gamit panlinis para mas tipid at bawas na rin sa mga harmful chemicals.
Ito ang mga environmental-friendly home advice na pwedeng gawin araw-araw para mapahalagaan ang ating kalikasan.

Post a Comment Blogger

 
Top