Buwan-buwan nakakatanggap ng pasyente ang mga lisensyadong mga eksperto ng mga biktima ng pekeng cosmetic doctor. Halos lahat sa mga ito may siliconosis, isang kumplikasyon na nakukuha kapag tinuturukan ng silicon oil ang katawan.
Namumuo kasi ang silicon oil at matatakpan ng tissue na nagreresulta naman sa ‘necrosis’. Ang necrosis ay ang pagkabulok ng laman o tissue sa katawan.
3 Types of Breast Augmentation
- May tatlong paraan ng breast augmentation; (1) Una ang pagturok ng silicon oil na lubhang delikado at maaring magdulot ng kumplikasyon. Kapag naturukan ng silicon oil nabubulok ang laman, nagsusugat at nagkakaroon ng nana.
- (2) Pangalawa ang fat transplant, pagkuha ng taba mula sa puwet o bilbil upang ilagay sa dibdib.
- (3) Pangatlo, pinakaligtas sa lahat at tanggap ng mga doctor. Ang silicon implant.
Silicon Implant
Ang isang high-quality na silicon implant ay ligtas. Nakabalot kasi ang silicon sa loob ng bag gawa pareho sa silicon ang laman at maging ang panlabas na parte nito. Encapsulated na ito kaya ang nasa loob nito ay hindi na magli-leak. Kahit pa nga matusok ito ng karayom, hindi lalabas ang nasa loob ng silicon bag.Sablay na Breast Augmentation
Ilang beses na nga na nai-ulat ang palpak na breast augmentation gamit ang silicon oil. Maraming nga naming naloloko ang mga pekeng doctor sapagkat mas mura nga ng di hamak ang kanilang operasyon. Dahil nasa P10,000 to P20,000 na lang ang kanilang singil. Di hamak na mas mura kumpara sa P100,000 up to P250,000 na silicon implant.Pero payo nga ng mga doctor, kapag kalusugan ang nakasalaylay lumapit sa lehitimong doctor. Huwag magtipid dahil buhay natin ang kapalit.
Post a Comment Blogger Facebook