Helpful Tips During Earthquake
Bago pa man magkalindo dapat ay lagi tayong alisto, handa at magsiguro sa ating kaligtasan sakaling magkaroon ng lindol. Ito ang ilan sa aming tips para dito.- Kailangan alam natin kung anong bahagi ng bahay ang ligtas na tigilan sa oras ng lindol.
- Lumayo sa mga kasangkapan na maaring bumagsak tulad ng kabinet, aparador o lalagyan ng mga libro. Lumayo din sa mga bintanang salamin.
- Patayin kung may apon ang kalan at isara ang mga de-gaas na kagamitan. Isara din ang pangunahing switch ng gas at ng kuryente.
- Tiyaking makakalabas ng bahay kaya buksan ang mga bintana at pintuan. Dumapa at magtago sa ilalim ng mesa. Takpan ng unan ang ulo upang maprotektahan.
- Kung abutan ng lindol sa paaralan, magtago sa ilalim ng upuan o kalmanteng lumabas at dumapa sa palaruan.
- Kung sa labas ng bahay ay inabutan ng pagyanig. Humanap ng lugar na malayo sa mga gusali, mga puno at poste ng kuryente. Dumapa at hintaying matapos ang lindol.
- Kung abutan ng lindol sa loob ng sasakyan, manatili sa loob nito. Hintaying matapos ang pagyanig. Hindi rin ligtas sa overpass kaya lumayo sa mga ito.
- Kung sakaling may paparating na tsunami, dali-daling umakyat sa mas ligtas at mataas na lugar.
- Pagkatapos ng lindol, suriin ang sarili at mga kapamilya kung may nasaktan at bigyan agad ng pang-unang lunas.
- Sa panahon ng lindol at iba pang sakuna, ang mga pampublikong paaralan at mga gusali ay nagiging evacuation center. Alamin kung saan naroon ang mga ito.
Post a Comment Blogger Facebook