0
Ngayon ay tila mas malayo na ang nararating ng pag-click at pagpindot kaysa sa paglalakad. Minsan hindi na kailangan pang pumunta ng opisina para magtrabaho. Hindi na nakakapagtakang marami na nga sa atin ang halos wala ng pisikal na aktibidad. Gaya na lamang ng mga tulad kong bloggers o mga freelance digital media artists at manunulat. Wala man tayong mga amo o opisina nakatali naman tayo sa pagkaka-upo dahil na din sa paghahabol sa mga proyekto upang kumita naman salapi. Ang ganitong uri ng trabaho ay;
  • Isang klase ng propesyong nangangailangan matapos ang ginagawa sa takdang oras.
  • Pag-upo ng walo hanggang labing-dalawang oras.
  • Tatayo na lamang kung kailangang magbanyo, bibili ng pagkain o may kausap sa telepono.
Kaya naman sa mga ganitong klase ng trabaho madalas na ang paniningil ng ating katawan. Kadalasan sa matagal na pagkaka-upo nakakaramdam na tayo ng pananakit ng likod.
Image of Pananakit ng Likod Dahil sa Matagal ng Pag-upo

Masamang Dulot ng Matagalang Pagkaka-upo

Ayun sa mga eksperto ng biomechanics, obesity and cancer in America. Walong oras ang average na pag-upo ng isang American adult kada araw. Sapat ito upang maging manganib ang kalusugan ng isang tao dahil sa matagal na pag-upo. Maari itong magdulot ng karamdaman tulad na lamang ng;
  • Organ Damage na pwedeng mauwi sa sakit sa puso, sobrang produksyon o pagkabalisa ng pancreas, at kanser sa colon.
  • Nagpapahina din ito ng kalamnan at buto sa leeg, likod at binti.
  • Ang ugali ng isang tao ay maapektuhan din dahil sa kakulangan ng oxygen kasama ng dugo papuntang utak.

Mga Dapat Gawin Para Maiwas Ito

Base na din sa isang titser ng University of the Philippines College of Human Kinetics. Ang isang direstsong pag-upo kahit sa isang oras ng walang galawan ay masama na sa katawan. Naapektuhan kasi ang daloy ng oxygen at dugo na pinanggagalingan ng maraming klase ng sakit. May mga simpleng paraan upang maiwasan ang masamang naidudulot ng labis na pagkaka-upo. Tulad na lamang ng;
  • Kailangan tumayo
  • Maglakad-lakad
  • Gumawa ng pisikal ng aktibidad
  • Mag-unat ng katawan at kalamnan
Sa lahat ng ito mahalaga pa din ang pag-ehersisyo. Kaya dapat lamang maglaan ng sapat na oras para dito. Tatlong beses sa isang araw at 30-40 minuto kada sesyon.
Next
Newer Post
Previous
This is the last post.

Post a Comment Blogger

 
Top