0
Bukod sa pagiging "man's best friend." May malaking papel pa palang ginagampanan ang mga aso sa tao. Kilalanin natin si Dr. Eddie, 5 taong gulang na labrador at isa sa mga doctor dogs ng Philippine Animal Welfare Society (PAWS). Kabilang si Dr. Eddie sa sinanay upang magsagawa ng Animal Assistance Therapy.

Ang Konsepto ng Programa

Image of PAWS at ang mga Doctor Dogs
Ang ideya ng Doctor Dogs Program ay nabuo sa tulong ni Jill Robinson. Kasama niya ang Animal Foundation sa Hongkong bilang bahagi ng malawakang programang proteksyon para sa kapakanan ng mga alagang hayop. Sa pamamagitan ng programa, pumupunta ang mga grupo ng PAWS sa mga cancer wards at mga institusyon kasama ang mga doctor dogs. Ito ay para makasalamuha ang mga bata at may mga sakit.
  • Ayun sa pag-aaral mula sa Duke University of Canine Cognition Center. Ang simpleng paghaplos sa aso ay nakakapagpapababa ng stress hormones at blood pressure.
  • Nagrerelease din ito ng oxytocin o ang hormones na nagpapakita ng pamamahal sa pagitan ng tao at alagang hayop.
  • Ang mga aso nakakahikayat ng playful spirit. Kaya ang problema mas gumagaan sa oras na napag-uusapan habang kasama sila.
Sa mga pasyenteng may sakit, hindi kalungkutan ang makikita sa kanilang mga mukha. Masaya nilang sinasalubong ang bawat umaga sa piling ng mga mahal nilang alaga. Hindi na din bago ang pagkakaroon ng therapy dogs sa mga mauunlad na bansa gaya ng America. Malalim na maituturing ang relasyon ng mga aso sa tao. Maraming beses na ngang napatunayan ni Bantay na sa oras ng pangangailangan siya ay handa umalalay.

Post a Comment Blogger

 
Top