Mahalaga nga ba ang Facebook?
Maya-maya ka bang nagla-log in sa computer mo? Pero hindi sa lahat ng panahon ay video games ang habol mo. Mayroon ngang inaabot ng tatlong-oras sa kaka-Facebook.- Nakaka-aaddict
- Part of daily life
- Gaming
- Chatting
- Bonding together sa mga kaibigan at pamilya
- Integrated na sa lahat halos ng pwedeng gawin
Facebook Din Pag May Time
Nagsimula lamang ang Facebook sa TheFacebook.com sa dormroom ni Mark Zuckerberg. Ang founder ngayon ng Facebook ay isa nang bilyunaryo. Sa loob ng sampung taon bilyon na rin ang user ng Facebook.- Kaya di mapagkakaila na ang bansa natin ay binansagan din na Social Networking Capital of the World.
- Taong 2011 pa nga lang ay umabot na ng 29 million internet user meron ang Pilipinas at dadami pa ito ngayong 2014.
- Kung nais mong malaman ang panahon na iyong ginugol sa paggamit ng Facebook. Maaring subukan ang isang widget ng Time Magazine na Facebook Time Machine.
- Isa sa negatibong epekto ng Facebook ay ang pagkalimot sa bagay na dapat gawin.
- Pero isa din sa postibong epekto nito ay ang pagkakaroon ng pagkakataon ng iba na magnegosyo.
Kapag Sikat Lalaos Din Balang Araw
Bagama't sikat ang Facebook, maaring mawala na ang 80% user nito sa pagaitan ng 2015 at 2017. Sa isang pag-aaral, itinuturing daw na sakit na nakakahawa an Facebook. Maging sa mga gumagamit nito. Ngunit darating ang araw na ang mga gumagamit nito ay gagaling at iiwanan din ang Facebook. Ayun din sa mga I.T. experts di malayong mangyaring maging laos din ang Facebook. Lalo't nangyari na nga ito sa ibang sikat na social networking sites gaya na lamang ng Friendster, MySpace, at maging ang Multiply. Totoong time blackhole ngang maituturing ang Facebook. Dahil na din sa sunod-sunod na paglabasan ng mga viral photos, videos at articles. Kadalasan nating hindi nararamdaman ang paglipas ng oras. Ang prediksyon na pagkawala ng Facebook sa taong 2017 ay posible lamang kapag hindi ito gumawa ng mas magandang innovation. Pero sa ngayon consistent naman sa pag-update ang Facebook sa mga features nito. Kaya panahon na lamang ang magsasabi tungkol sa mga ito. Sa ngayon, malaking tulong pa din ang Facebook sa maraming dahilan.
Post a Comment Blogger Facebook