Malinis, maluwag, malamig at komportableng galawan. Ito ay ilang lamang sa ino-offer ng makabagong tren ng PNR. Kung bubusisiin kasi mayroon pa itong kakaibang nagagawa. Gaya na lamang ng upuan, nari-recline, naiikot, masarap sandalan, may patungan ng paa at higit sa lahat may sidetable pa.
Ang comfort room nito ay malawak. May special na lugar din para sa mga sanggol kung saan pwedeng ng magpalit ng diaper si baby.
Ang Biyahe ng Premium Train ng PNR
Kaya naman nang mabalitaan ng mga madalas sumakay sa PNR agad nila itong sinubukan. Ang naturang tren ay donated ng Japan para sa Pilipinas. Ginastusan ito ng halos P20 Million para sa shipping at rehabilitasyon ng tren.Ang tren ay may tatlong bagon at may guaranteed seating capacity na 33 person sa kada isa nito. Kung isasama ang receiving area ng tren kaya nitong kumarga ng halos 120 katao.
Nagbibiyahe ito ng apat na beses sa isang araw. Ilan lamang sa mga estasyon na dinadaan ng tren ay ang Blumintritt, Espana, Sta. Mesa, Buendia, Magallanes, Sucat, Alabang at Sta. Rosa, Laguna.
Magkano Ba ang Pamasahe sa PNR?
- Ang pamasahe ay nasa halagang P60 sa Alabang ngunit kung hanggang Laguna ay nasa P90 (Manila to Laguna).
- Kung papuntang Maynila naman P60 kung hanggang Blumintritt lamang at P90 kapag umabot ng Tutuban sa Divisoria (Laguna to Manila).
Walang overcrowded ngunit paalala lamang ng PNR. Bawal manigarilyo, kumain at tumayo (standing position) sa loob ng kanilang tren.
Post a Comment Blogger Facebook