0
Dahil may dalawang weather system na nakaka-apekto sa ating bansa ngayon. May Northeast Monsoon sa Hilaga at may Low Pressure naman sa karagatan malapit sa Mindanao.
Image of Weather Update: Wednesday, March 12, 2014
Sa Baguio City magdala lamang ng payong sa inyong pamamasyal dahil bukas asahan ang manaka-nakang pag-unlan. Pero huwag mag-alala dahil sa Huwebes at Biyernes gaganda ang panahon.

Sa Metro Manila naman maganda ang outdoor activity dahil good weather tayo at magtatagal ito ng tatlong araw.

Ang Cebu dahil na rin sa namataang Low Pressure ng PAGASA. Apektado ng pag-ulan, pagkidlat, at pagkulog hanggang sa mga susunod na tatlong araw.
Sa Metro Davao asahan ang magandang panahon subalit magkakaroon pa rin ng pag-unlan, kidlat, at kulog dulot ng Low Pressure.

Sa probinsya ng Zamboanga, maganda ang panahon ngunit asahan ang maulan sa susunod na Huwebes at Biyernes. Huwag kalimutang magdala ng kapote o payong.

Post a Comment Blogger

 
Top